Matagumpay nailigtas palabas ang 41 mga manggagawa matapos 17 araw ng gumuho ang tunnel sa ilalim ng Himalayas sa New Delhi, India.
Gumamit na ang mga rescuers ng pambutas sa bundok para makalabas ang mga minero.
Pinangunahan ni Pushkar Singh Dhami, chief minister ng Uttarakhand state, ang pagsalubong sa mga nakaligtas na mga minero.
Magugunting na-trap ang mga minero noong Nobyembre 12 ng gumuho ang bahagi ng tunnel.
Naantal ang ilang araw ang rescue matapos na bumigay ang ginamit nilang heavy equipment para sa pagtanggal ng mga bato na nakaharang sa tunnel.
Nabuhay ang mga manggagawa na pawang mga residente ng India sa pamamagitan ng pagdaan ng mga pagkain, tubig at oxygen mula sa 53-metro na tubo na inilagay sa debris.
Ang tunnel ay bahagi ni Prime Minister Narendra Modi na Char Dham Highway route na kontrobersyal na multimillion dollar project para sa pag-upgrade ng transport network ng bansa.
Dinala muna sa pagamutan ang mga nailigtas na manggagawa para suriin ang kanilang kalusugan.