-- Advertisements --

Patay ang 41 migrants matapos ang paglubog ng sinakyan nilang bangka sa Lampedusa island, Italy.

Ayon sa mga nakaligtas na mga biktima, galing sila sa Sfax sa Tunisia at pagdating sa karagatang bahagi ng Italy ay bigla na lamang silang lumubog.

Ang nasabing bangka aniya ay may sakay na 45 na katao kabilang ang tatlong bata.

Nailigtas ang mga biktima ng may dumaan na cargo ship at sila ay pinasakamay sa coast guard.

Base sa Tunisian authorities na ang Sfax city ay pantalan na dinadaana ng mga migrants na nagtutungo sa Europe.