-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Pagmamay-ari umano ng New Peoples Army (NPA) ang 41 high powered firearms na nahukay ng militar sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Ayon kay 7th Infantry Battalion Philippine Army Commanding Officer Lieutenant Colonel Romel Valencia na habang nagpapatrolya ang kanyang mga tauhan sa Barangay Marguez Esperanza Sultan Kudarat sa pangunguna ni Ist Lieutenat Sonny Telino ng Alpha Company.

Napansin umano ng mga sundalo ang tambak ng lupa na posibling may inilibing.

Nang hukayin ng militar ay doon tumambad sa kanila ang 41 na ibat-ibang uri ng mga matataas na klase ng armas.

Malaki ang paniniwala ni Colonel Valencia na itinago ng mga NPA ang kanilang mga armas dahil sa nagpapatuloy nilang military operation.

Matatandaan na maraming mga NPA na sa lalawigan ng Sultan Kudarat ang sumuko sa militar at pulisya.