-- Advertisements --
Patay ang 41 katao ang nasawi matapos ang naganap na aksidente sa Tabasco state, Mexico.
Mayroon sakay na 48 katao ang bus ng ito ay bumangga sa isang truck.
Nagresulta sa pagkasawi ng 38 pasahero at dalawang drivers at maging ang driver ng truck ay nasawi din.
Ayon sa mga otoridad na nagliyab pa ang dalawang sasakyan dahil sa bangaan.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang bus operator na Tours Acosta dahil sa pangyayari.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.