-- Advertisements --

Patay ang 41 katao matapos ang banggaan ng bus at truck sa Mali.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad nawalan ng kontrol ang driver ng truck matapos na pumutok ang gulong nito kaya bumangga ito sa pampasaherong bus sa bayan ng Segou, Bamako, Mali.

Dinala naman sa pagamutan ang 33 pasahero na nasagutan sa nasabing insidente.

Itinuturing na ang Africa ang may pinakamaraming naitatalang aksidente kada taon.