-- Advertisements --

Sugatan ang 41 na katao matapos ang ginawang airstrikes ng Russia sa Kharkiv region sa Ukraine.

Kabilang sa mga sugatan ang limang bata na itinakbo na ang mga ito sa pagamutan.

Nasira ang maraming mga gusali gaya ng palengke, sports complex at ilang residente.

Kinondina ni President Volodymyr Zelensky ang insidente kung saan isang uri ng terorismo ang ginawa na ito ng Russia dahil nadamay ang mga sibilyan.

Nagpapatuloy ang ginagawang pag-rescue ng mga otoridad dahil sa hinala nilang may ilang natabunan mula sa gumuhong mga gusali.