Apektado pa rin ng umiiral na granular lockdown ang nasa 29,000 indibidwal mula sa 413 mga lugar sa buong bansa ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang mga lugar na nasa granular lockdown ay tinukoy ng LGUs na nasa critical zones o nasa high risk ng covid19.
Sa datos ng DILG, nangunguna ang Mimaropa sa listahan kung saan umaabot sa 118 lugar ang nakalockdown sinundan ng Cordillera Administrative Region (CAR), Region 5 (Bicol region) na may pnakamaraming bilang ng apektadong households na papalo sa 5,430 o katumabas ng 25,734 individuals.
Sa Metro Manila bumaba pa sa 35 mga areas ang nasa lockdown o nasa 148 na mga bahay ang apektabo.
Samantala may mga rehiyon na walang lugar na nakasailalim sa granular lockdown kabilang ang Central Luzon, Calabarzon, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Soccsksargen, Caraga at Bangsamoro autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
.