-- Advertisements --

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng hindi baba sa 418 na road accident simula noong Disyembre 22 hanggang Disyembre 29.

Ayon sa ahensya 38 percent ang itinaas nito kumpara noong 2023.

Sa nakalipas lamang na 24-oras naitala ng ahensya ang 68 na bagong kaso ng road accident.

Sabi ng DOH isa ang motorcycle accident sa nangungunang listahan na kanilang naitala na pinaka maraming kaso ng aksidente nitong holiday season.

Kaugnay nito hindi naman bababa sa 356 na indibidwal ang involved sa mga road accident kagaya ng hindi pagsusuot ng mga helmet at seatbelt. Karamihan daw umano sa mga aksidenteng nang kanilang naitala ay involved sa impluwensya ng alak.

Muli namang nag paalala ang ahensya sa mga motorista na laging sundin ang mga safety guidelines kapag bumabyahe.

Nariyan ang palagiang magsuot ng helmet kung gagamit ng mga motorsiklo, magsuot ng seatbelt para sa mga nakasasakyan at iwasang mag maneho kapag nakakaramdam ng antok o nasa ilalim ng impluwensya ng alak.

Para naman sa mga ba-byahe ng malalayong lugar siguraduhin aniya na may sapat na pito hanggang walong oras na tulog.

Sundin din aniya ang speed limits at mga road signs para sa ligtas na biyahe.