-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Dinala sa Cabadbaran City, Agusan Del Norte ang bangkay ng 42-anyos na lalaki matapos itong sinaksak sa kaniya ting barkada at kasama sa inoman sa nakaraang alas 11:30 ng umaga sa Langihan Public Market sa Purok-2, Barangay Holy Redeemer nitong lungsod ng Butuan.

Nakilala ang biktima na si Isidro Pitogo Nahid, 42-anyos, hiwalay sa asawa na tumutuloy sa may Purok-8 Slaughter Barangay Obrero nitong lungsod at lumad na taga Purok-5, Barangay Sanghan, Cabadbaran City.

Habang ang suspek ay nakilalang si Jover Kumilat na taga Ambangan, Libertad, Butuan City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinoman ang dalawa kasama ang isang babae nang nagka-alitan ang biktima at suspek na humantong sa pananaksak.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo sa kapatid ng biktima na si Widelita Piencinaves, sinisi nito ang kasamang babae sa kanilang inoman na umano ay pinag-aagawan ng biktima at suspek.

Natamaan sa dibdib ang biktima kung saan ang ginamit na kutsilyo ay nabali pa at naiwan sa katawan ng biktima.