Pinakawalan na ng isang armadong grupo sa Nigeria ang 42 katao, na kinabibilangan ng 27 mag-aaral, na dinukot sa isang boarding school noong nakalipas na linggo sa estado ng Niger.
Ang pagpapalawa sa mga ito ay isang araw lamang matapos ang ginawang pananalakay sa isa pang paaralan sa estado ng Zamfara kung saan tinangay ang mahigit sa 300 kababaihan.
Ayon kay state governor Abubakar Sani Bello, nasa kamay na raw ng lokal na pamahalaan ang mga dinukot na estudyante, maging ang tatlong school staff at 12 miyembro ng kani-kanilang pamilya.
“The Abducted Students, Staff and Relatives of Government Science Collage Kagara have regained their freedom and have been received by the Niger State Government,” saad ng opisyal sa isang tweet.
Noong nakalipas na linggo nang dukutin ito ng grupong sumugod sa Government Science secondary school sa distrito ng Kagara sa Niger dakong alas-2:00 ng madaling araw (local time).
Isang batang lalaki ang napatay sa naturang raid. (Al Jazeera)