-- Advertisements --
Aabot sa 42 na mga simbahan sa ilalim ng Archdiocese ng Manila ang pansamantalang isinara dahil sa patuloy pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sa social media post ng Office of Communications ng Archdiocese ng Manila na karamihan sa mga simbahan ay nagsimulang magsara mula Enero 6 at ito ay magbubukas ng hanggang Enero 16.
Bukod kasi sa mga pari ay nagkaroon din ng sintomas ng COVID-19 ang ilang personnel ng mga simbahan.
Nagsagawa agad ng dissenfections at sanitations sa mga simbahan.
Sumailalim na rin sa booster ang ilang mga personnel at ang iba naman ay naka-two dose na ng COVID-19 vaccines.