TACLOBAN CITY – Ikinakaalarma ng mga eksperto ang biglaang pagtaas ng kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Eastern Visayas.
Ito ay matapos na maidagdag ang aabot sa 75 panibagong kaso sa loob lamang ng 48 oras.
Kasama sa pinakabatang nagpositibo ng coronavirus ay ang apat na buwang gulang na baby na taga Baybay City na kasama sa mga umuwing locally stranded individual mula sa Cebu City.
Ayon kay Dra Minerva Molon, Regional director ng Department of Health Region 8 (DOH-8), na nag-umpisa ang surge sa bilang ng coronavirus case matapos na uwuwi ang ilang mga overseas Filipino workers (OFW) at locally stranded individual sa ilalim ng Balik Probinsya program ng gobyerno.
Muli namang umapela si Molon sa publiko na sumunod sa mga health protocol nang sa gayon ay hindi na kumalat pa ang naturang virus.
Nasa 131 ang kabuang bilang ng kompirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.