-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Kasalakuyang nagpapatuloy ang isinasagawang anim na araw na Rapid Earthquake Damage Assessment System (REDAS) Training sa Kidapawan City.

Ang pagsasanay ay dinaluhan ng 42 partisipante mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan na pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Ito ay naglalayong mabigyan ng kaalaman ang lokal na pamahalaan mula sa lalawigan hinggil sa REDAS, isang hazard and risk simulation software na magagamit sa pag assess ng kasiraang dulot ng paggalaw ng lupa, landslide, liquefaction, tsunami at iba pang hydro-meteorological hazards.

Resource speaker ng nasabing training ang mga personahe mula sa DOST-PHILVOCS, DOST-PAGASA at DENR-MGB kung saan nagbigay ito ng inputs hinggil sa paggamit ng nasabing software na makakatulong sa agarang pagresponde sa panahon ng kalamidad.

Isa sa mga prayoridad na programang isinusulong ng pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa ilalim ng kanyang 12-point agenda ang Disaster Preparedness, Response and Resilience lalo na at ilang beses na ring hinagupit ng iba’t ibang kalamidad ang lalawigan ng Cotabato.

Ang 6-day REDAS Training ay sinimulan noong Nobyembre 7 at magtatapos ngayong araw Nobyembre 12, 2022