-- Advertisements --
BOSTON – Kumamada ng 42 points si James Harden sa mga huling sandali ng fourth quarter at tinalo ng Houston Rockets ang Boston Celtics sa score na 115-104.
Nakagawa rin si Harden ng anim na 3-pointers at tumipa ng 40 o mahigit pang puntos sa ika-24 na pagkakataon ngayong season.
Nagdagdag naman ng 32 points at walong 3-pointers si Eric Gordon.
Nanguna naman si Kyrie Irving na may 24 points, siyam na rebounds at anim na assists para sa Boston, na mayroon nang limang talo sa nakalipas na anim na laro.