Nagdagdag ng kabuuang bilang na 42 units ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa EDSA bus carousel upang mabawasan ang problema sa kakulangang bus na bumabiyahe.
Madami kasi ang pasaherong nahihirapang sumakay sa mga bus lalo na sa peak hours.
Kung matatandaan, kinukulang din kasi ang mga bus na bumabiyahe dahil sa sobrang dami ng pasahero na sumasakay partikular na ang mga nagttrabaho sa Metro Manila.
Ngunit nilinaw naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ang karagdagang 42 units ang “trial” at ipapatupad lamang hanggang sa Enero 16.
Sa ngayon, mahigpit pa din ang ginagawang assessment ng naturang ahensya at inaasahang magkakaroon muna ng pagpupulong kung isasapinal ang mga naturang karagdagang units sa EDSA bus carousel.