-- Advertisements --

COTABATO CITY – Dumating na kaninang tanghali via Philippine Airlines sa Awang Airport, Datu Odin Sinsuat,Maguindanao ang -Covid-19 vaccines para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Sa press conference na isinagawa ng Ministry of Health o MOH-BARMM, sinabi ni OIC Minister Dr. Amirel Usman umaabot sa 4,200 Vaccines ng Sinovac ang dumating.

Ang mga ito ay agad na dadalhin sa storage facilities na inihanda ng BARMM Government.

Prayoridad umano ang mga Health Workers kung saan 1,400 ang inalocate sa IPHO Maguindanao,972 sa Lanao Del Sur at Marawi City,518 sa Tawi Tawi,1,032 sa Sulu at 278 sa Lamitan City at Basilan Province.

Ayon pa kay Dr. Usman,ang Sinovac ay certified halal batay na rin sa pagtiyak ng DOH-central office at ng Bansang Indonesia.

Dagdag pa ni Dr. Usman na pagkatapos nang pag account ng bakuna ,bukas na bukas din ay isasagawa na ang ceremonial vaccination sa Intergrated Provincial Health Office Maguindanao samantalang ipapadala na rin ang allocated vaccines sa iba pang probinsya at lungsod ng rehiyon.