-- Advertisements --
OFW Seoul South Korea NAIA DFA OWWA
Special flights for returning OFWs from South Korea (Seoul PE photo)

Umaabot sa 425 na mga stranded overseas Filipino workers (OFW) mula sa South Korea ang panibagong dumating sa Pilipinas.

Nanguna ang Philippine Embassy sa Seoul para sa matagumpay na pagproseso sa mga dokumento ng mga kababayan na isinakay sa dalawang special flights.

Dumating ang mga ito sa bansa sakay ng Korean Air KE 623 at Asiana Airlines OZ 703 nitong nakalipas na gabi.

Una rito, nagtulong tulong ang embahada ng Pilipinas sa Seoul kasama ang Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Labor and Employment (DOLE), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), at Manila International Airport Authorities (MIAA) para mapagaan ang pangangailangan ng mga OFW.

Bago bumalik ng Pilipinas mahigpit na nagbilin si Second Secretary at Consul Ella Karina Mitra, Welfare Officer Aniceta Deuna, at Assistant ATN Officer Denni Carlo Marnilego, Labor Attaché Ma. Celeste Valderrama at ATN Officer Glenn Corpin sa mga returning OFWs na sumunod sa mga COVID health measures.

Sa ngayon umaabot na sa 700 mga Filipinos sa South Korea ang mga residents at transiting passengers ang napabalik sa bansa.