-- Advertisements --

Nakaranas ang Puerto Princesa City, Palawan nang pinakamataas na heat index na umabot sa 42°C ngayong araw ng Huwebes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Batay sa ahensya, ang heat index na mula 42°C hanggang 51°C ay itinuturing ng bilang “danger” na kategorya, na maaaring magdulot ng heat cramps at heat exhaustion.

Maari ring magdulot ito ng heat stroke kapag tumagal ang pagkababad sa matinding sikat ng araw.

Ito rinang ikatlong magkasunod na araw na nakapagtala ang Puerto Princesa ng 42°C na heat index, matapos itong maranasan noong Martes, Marso 18, at Miyerkules, Marso 19.

Samantala, binanggit ng weather bureau na 54 na lugar ang nakaranas ng heat index na umabot sa 33°C hanggang 41°C, na may kategorya na “extreme caution.”

Samantala pinapayuhan ang mga residente at mga torista na mag-ingat laban sa mga sakit dulot ng matinding init at pinayo ring palaging uminom ng tubig at umiwas muna sa mga outdoor activities sa mga oras ng matinding init.