BACOLOD CITY – Hindi maikakaila ng mga miyembro ng Philippine National Police-Maritime Group ang panlulumo sa kanilang nadatnan sa Taal Volcano Island nang nirescue ang iba’t ibang hayop na naiwan ng kanilang may-ari nang mag-evacuate kasabay ng pag-aalburuto ng bulkan.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Patrolman Jonathan Sumagang, miyembro ng PNP-Maritime Group, kabuuang 43 na mga hayop ang kanilang nailigtas kasabay ng emergency evacuation nitong Huewebes.
Ito ay kinabibilangan ng 36 na kabayo at pitong mga baka.
Paliwanag ni Sumagang, hindi maikakarga sa bangka ang mga kabayo o baka kung wala ang kanilang may-ari dahil wala silang mapaglagyan kung makatawid na sa isla at baka iisipin ng may-ari na ninakaw ang kahilang alagang hayop.
Hindi naman naitago ni Patrolman Sumagang ang kanilang lungkot sa pagbungad sa isla nang wala nang makikitang pananim dahil nabaon na ito sa abo.
Inamin din nito na mahihina na ang mga kabayo at mga baka dahil walang makaing damo.
Sa katunayan aniya, napilitan sila kahapon na gapasin ang saging upang mapakain sa kabayo ang subok.