Iniulat ng pamunuan ng Bureau of Immigration ang matagumpay na pagkaka deport sa 43 Chinese nationals.
Ang nasabing mga chinese national ay kabilang sa mga 100 foreign nationals na naaresto ng Presidential Anti-Organized Crime at PNP Women and Children Protection Center.
Ito ay matapos na i implement ang search warrant issued na inisyu ng Makati Regional Trial Court.
May kinalaman ito sa paglabag sa RA 9208 at RA 10364 o mas kilala bilang Anti Trafficking in Persons Act.
Nadiskubre ng mga otoridad ang naturang mga foreign national na nagtatrabaho sa sa mga establishment na sangkot sa mga aktibidad ng human trafficking.
Natukoy rin ng BI na nilabag ng mga ito ang terms and conditions ng kanilang mga visa at ikonsidera na silang threats to public interest.
Isinakay ang naturang grupo sa isang flight patungong Shanghai sa NAIA Terminal 1.