Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs na 43 na Filipinos mula sa Gaza ang nakatakdang umalis sa naturang lugar.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, ang unang batch ng 20 mga Pinoy ay naka-schedule tumawid sa Rafah border crossing patungong Egpyt ngayon.
Dagdag pa niya, and ikalawang batch ay mayroong 30 slots ngunit 23 lamang ng mga Pinoy ang nag-sign up.
Umaasa ang DFA na mas marami ang sasali dahil mapupunta sa ibang dayuhan ang mga hindi napunang slots.
Sa oras na makatawid na sila sa border, ang mga Pilipino ay dadalhin sa Philippine embassy sa Cairo, kung saan ang kanilang pag-uwi ay ipoproseso.
Sinabi ni De Vega na kailangang umalis ng mga Pilipino sa Egypt sa lalong madaling panahon dahil mayroon lamang silang transit visa.
May kabuuang 134 na Pilipino ang nasa Gaza pa rin. Dalawang Pilipinong doktor na sina Darwin Dela Cruz at Regidor Esguerra, na nagtatrabaho sa Doctors Without Borders, na umalis sa Gaza noong Miyerkules.