-- Advertisements --

Patay ang nasa 43 katao matapos ang pagkakasunog ng pitong palapag na gusali sa Dhaka, Bangladesh.

Nagsimula ang sunog sa isang kainan na nasa gusali at mabilis itong kumalat.

Dinala na sa pagamutan ang 22 katao matapos magtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.

Umabot sa mahigit dalawang oras bago tuluyang maapula ng mga otoridad ang nasabing sunog.

Patuloy din na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.