-- Advertisements --
Patay ang nasa 43 katao sa ginawang malawakang paghalughog ng mga kapulisan sa Brazil laban sa mga drug gangs.
Sa ginanap ng mga operasyon sa Rio de Janiero, Sao Paulo at Bahia ay nakaaresto sila ng halos 60 katao na sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga.
Nakakumpiska ang mga otoridad ng 385 kilos ng mga iba’t-ibang klase ng droga bukod pa sa mga armas at baril na ginamit ng mga suspeks.
Dahil sa naganap na labanan ng mga otoridad at drug gang leaders ay napilitan ang ilang mga paaralan na magsara ganun din ang mga establishimento.