Nagsumite na ng kanilang resignation at retirement ang 43 matataas na opisyal ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).
Sa naturang bilang mayroong 27 na mga senior officers ang naghain ng kanilang resignation at 16 na iba pa ang nagsumite ng resignation.
Binubuo ng 21 officers at anim na mula sa regional offices ang nag-resign.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng inilabas na memorandum ni PhilHealth chief Dante Gierran kaugnay sa pagpapatupad ng 2019 PhilHealth Board resolution na pag-courtesy resignation ng mga opisyal na may Salary Grade 26 at pataas.
Ang nasabing pagpapalabas ng memorandum ay alinsunod din sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapabitiw sa mga opisyal ng PhilHealth na nasasangkot sa anomalya.
Nasa 66 PhilHealth executives umano ang mayroong sumasahod ng salary Grade 26.