-- Advertisements --

Nailikas na ang nasa mahigit 430 Pilipino mula sa nagpapatuloy na giyera sa Ukraine.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola, nasa kabuuang 434 Pilipino na ang nailigtas palabas ng Ukraine.

Sa naturang bilang, nasa 394 Pilipino ang na-repatriate habang may 40 indibidwal naman ang na-evacuate at nag-aantay ng kanilang repatriation sa ligtas na lugar sa may borders malapit sa Ukraine.

Ilan sa mga ligtas na napauwi sa bansa kamakailan ang nasa 30 seaferers na naipit sa giyera sa Ukraine na mga crew members ng MV Ithaca Prospect, MV Filia Joy, at MV Nord Virgo.

Sa kabuuan nasa mahigit 350 seaferers na ang ligtas na na-repatriate.