-- Advertisements --
Tulad kahapon, 433 muli ngayong araw ng Linggo ang bagong dagdag na kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.
Sa tala ng Department of Health (DOH) nitong alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 2,838,640 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.
Sa ilalim ng lingguhang “Oplan Recovery,” inulat ng DOH ang 283 na bagong recoveries kung saan nasa 2,777,918 na ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID.
Nasa 51,200 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ngayong araw ng 13.