-- Advertisements --

Roxas City – Patay na nang matagpuan ang isang 44-anyos na lalaki sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Lanot, Roxas City.

Kinilala ang biktima na si Lamberto Aguilar Jr., ng naturang lugar.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo kay Lonie Aguilar kapatid ng biktima na natagpuan na lamang ng kanilang boy na duguan na ito at wala ng buhay.

Aniya na wala naman kaaway ang kapatid sa kanilang lugar.

Naniniwala naman ang pamilya ng biktima na posible natumba ito at nabagok ang ulo sa semento dahil sa sobrang kalasingan.

Nabatid na mag-isa lamang naninirahan ang biktima sa kanilang bahay dahil ang asawa nito ay nagtatrabaho sa Kuwait.