-- Advertisements --
Patay ang 44 na mga Boko Haram militants matapos na sila ay lasunin habang nakakakulong sa Chad Region sa Central Africa.
Kabilang mga mga namatay sa grupo ng 58 suspects na inaresto sa army operation laban sa mga Islamist group sa Lake Chad.
Lumabas sa autopsy report na mayroong lethal substance na nakain ng mga nasawing biktima.
Naglunsad na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa nasabing insidente.