-- Advertisements --

Makakasama ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang 44 na kapwa detainee sa loob ng kanyang selda sa Pasig City Jail.

Sa selda ni Alice, mayroon itong sampung bunk bed na pawang mga triple deck. Ibig sabihin, 30 bed capacity lamang ang ginagamit ng magkukumpulang 45 na detainee.

Sa naturang kulungan ay makasama rin ng dating alkalde ang isa sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ na kasama ng founder nitong naaresto kamakailan.

Samantala, itinakda naman sa Sept. 27 ang pagbabasa ng sakdal para kay Alice sa kanyang kasong qualified human trafficking.

Batay sa schedule na itinakda ng Pasig City RTC, gaganapin ito ganap na 8:30 ng umaga sa pamamagitan ng video-teleconferencing.

Ngayong araw ay inilipat na si Alice Guo sa Pasig City Jail mula sa dating Philippine National Police (PNP) dentention facility.