-- Advertisements --

Dalawa sa limang Pilipino ang hindi naniniwalang mayroong magandang intensyon ang gobyerno ng China para sa mga Pilipino.

Batay ito sa pinakabagong Social Weather Stations (SWS) survey sa gitna ng maraming mga usapin patungkol sa China, kabilang na ang presensya ng maraming mga Chinese vessels malapit sa Pag-asa island.

Nakasaad sa resulta ng survey na ito, na isinagawa noong Disyembre 16 hanggang 19 noong nakaraang taon, na 44 percent ng 1,440 adult respondents ang hindi sumasang-ayon sa statement na “most of what the Chinese government wants to happen in the Philippines is good for the Filipinos” habang 27 percent naman ang nagsabi na sumasang-ayon sila rito.

Ang natitirang 29 percent ay undecided.

Dahil dito, mayroong -17 net agreement score, na itinuturing ng SWS bilang “moderately weak.”

Pero improvement naman daw ito mula sa -28 na naitala nang tanungin ang kaparehas na katanungan noong Setyembre 1993.