Lumalabas umano sa isinagawang survey ng Pulse Asia na nasa 44% ng mga Pilipino ang hindi kuntento sa K-12 education system sa bansa.
Batay sa survey na isinagawa mula June 24 hanggang June 27, 25% bagay sa 1,200 respondents ay nagsabi ang mga ito na “somewhat dissatisfied” o bahagyang hindi satisfied sa kasalukuyang education system habang nasa 19% naman ang nagsabi na “truly dissatisfied” o talagang hindi satisfied.
Nangangahulugan na nasa kabuuang 44% ang makokonsiderang hindi kuntento sa K-12 program, ito ay 16 percentage points na mas mataas kumapara sa resulta ng survey na isinagawa noong September 2019 kung saan nasa 28% lamang ng mga respondents ang hindi satisfied sa K-12 system.
Kung kayat ayon kay Senator Sherwin Gatchalian na siyang magiging chair ng Senate committee on basic education, arts at culture sa 19th Congress na dapat na ma-review ang K-12 program.
Malinaw aniya ang boses ng ating mga kababayan na hindi sila kuntento sa programang ito dahil hindi naipapatupad ang mga pangako sa ilalim ng K-12 system, at naging dagdag pasanin lamang aniya sa mga magulang at mag-aaral.
Rekomendasyon ng senador na dapat suriin ng husto ang K-12 system upang matiyak na natutupad ang layunin nito na makapaghatid ng dekalidad na edukasyon at maisulong ang pagiging competitive ng mga estudyante.