-- Advertisements --

Patay ang umaabot sa 44 na katao matapos uminom ng mga kontrabandong alak sa Turkey.

Napilitan ang mga biktima na inumin ang nasabing alak dahil sa ipinapataw na mataas na buwis ng kanilang bansa lalo na sa mga alcoholic beverages.

Maliban sa mga namatay, patuloy pang ginagamot ngayon sa hospital ang 30 pang biktima.

Inaresto naman ng mga otoridad ang 58 katao na gumagawa sa mga unauthorised alcohol. (with report from Bombo Jane Buna)