Humarap ngayong araw sa korte ang 44 na raliyistang sinampahan ng kaso sa salang rioting matapos nilang makiisa sa malawakang pag-aalsa sa Hong Kong.
Posibleng humnarap sa 10 taong pagkakakulong ang mga ito.
Hindi naman sila iniwan ng kanilang mga taga-suporta na sinuong ang malakas na buhos ng ulan at ihip ng hangin habang hinihintay sa labas ng korte ang kanilang mga kasamahan.
Anim na katao naman ang sugatan matapos may magbato ng paputok sa mga nagpo-protesta na nagsama-sama naman sa labas ng Hong Kong police station.
Sa ngayon ay hindi pa alam ng mga otoridad kung sino ang nagsagawa ng pagpapaputok na ito.
Samantala, ikinababahala naman ngayon ng mga economists sa Hong Kong ang mas tumatagal na kaguluhan sa kanilang lungsod.
Mas malala umano ang nararanasan na krisis ngayon ng lungsod lalo kumpara noong 2014 kung saan umusbong ang tinaguriang “Umbrella revolution” na naging dahilan upang maparalisa ang turismo sa Hong Kong sa loob ng 79 araw.
Karamihan sa mga establisyimyento ay patuloy pa ring nakasara sa kabila ng kaguluhan na dulot ng mga raliyista.