-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Napuno ng bagong pag-asa ang isinagawang Balik-Loob program ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa 44 na mga rebel returnees na iniwan ang kanilang grupo upang maging kaisa ng pamahalaan sa panawagan ng kapayapaan.

Abot sa 44 na mga dating rebelde mula sa mga bayan ng Kabacan, Mlang Cotabato at Pagalungan Maguindanao Del Sur ang mainit na sinalubing ng yakap at pasasalamat mula sa hanay ng kasundaluhan.

Mismong si 602nd Brigade Acting Commander Col Donald M. Gumiran INF (GSC) PA ang sumalubong sa mga ito kasama ang mga alkalde ng Kabacan na si Mayor Evangeline Pascua-Guzman, Mlang Mayor Atty. Russel Abonado at Pagalungan Mayor Datu Salik Mamasabulod.

Sa mensahe ni Mayor Gelyn, nagpasalamat ito sa pamunuan ng 90th IB, 6th ID at 602nd Brigade na naging kaagapay ng bawat pamahalaan sa usapin ng kapayapaan.

Nagpasalamat din ito sa mga returnees at hinikayat ang mga ito na maging tagapagsalita upang mahikayat pa ang mga inang kasamahan nilang bumalik sa panawagan ng kapayapaan.

Matapos na mainalik ang mga nagtataasang baril nabatid na mula sa mga grupo ng BIFF ang ito.