-- Advertisements --
Vaccine covid Sanofi Pasteur
COVID-19 vaccine development (Sanofi Pasteur)

Nakipag-agawan na rin ang higanteng pharmaceutical companies na Sanofi Pasteur at GlaxoSmithKline para sa maagap na stage trials ng kanilang experimental coronavirus vaccine.

Ang mga ito ay kabilang sa maraming kompaniya na sinusuportahan din ng US federal government Operation Warp Speed para makaimbento ng bakuna sa COVID-19.

Inanunsyo ng naturang mga kompaniya na nagre-recruit na sila ng 440 healthy adults para sa 11 trial sites upang ma-testing ang vaccine.

Ang pagbabakuna ay tinawag na “randomized, double blind at placebo-controlled trial.”

Nais ng mga researchers na makita kung ligtas nga bang gamtin ang naimbento nilang vaccine at makapaglabas ito ng “immune response” sa mga naturukan na tao.

“The Companies anticipate first results in early December 2020, to support the initiation of a Phase 3 trial in December 2020. If these data are sufficient for licensure application, it is planned to request regulatory approval in the first half of 2021,” ani Glaxo sa statement.