BUTUAN CITY – Umabot sa 440 mga miyembro ng Filipino-Chinese community dito sa Butuan City at mga lalawigan ng Agusan del Norte at Agusan del Sur ang naturukan na ng unang dose ng Sinovac vaccines na isinagawa sa Robinsons Place Butuan.
Ito’y matapos dumating ang 500,000 doses ng nasabing bakuna na binili ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) noon pang Hunyo nitong taon.
Aabot naman sa 880 mga vials ng Sinovac ang inilaan upang magamit sa second dose sa mga naturukan na ng first dose.
Ayon kay Joey Tan, presidente ng Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc., noong nakaraang Nobyembre pa nila ito binili at nagtagumpay ang kanilang vaccination roll out dahil sa tulong ng mga personahe ng lokal na pamahalaan ng Butuan at ng Department of Health (DOH) Caraga na nagpadala ng kanilang vaccination team.