-- Advertisements --

DAVAO CITY – Hinihintay na lamang ngayon ng Probinsiya ng Nabunturan Davao de Oro ang schedule sa nakatakdang culling sa 45 na mga baboy na pagmamay-ari ng mga hog raisers sa nasabing lalawigan dahil kabilang ito sa mga kailangang isailalim sa depopulation matapos maitala ang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa isang lugar na sakop sa nasabing Barangay.

Layunin nito na mapigilan ang paghawa nito sa ibang mga baboy at hindi maapektuhan ang iba pang mga hog raisers.

Una ng nakipagkita ang Municipal Veterinarian sa mga apektadong hog raisers ito ay para ipaintindi sa mga ito kung bakit kailangan na gagawin ang nasabing hakbang.

Una ng tiniyak ng ahensiya ng Department of Agriculture (DA)-II na bibigyan nila ng assistance ang mga hog raisers na apektado sa culling lalo na at karamihan sa mga ito ay pag-alalaga lamang ng baboy ang hanapbuhay.

Binabantay na rin ngayon sa lalawigan ang boarder papasok sa nasabing barangay upang matiyak na walang makakapasok na mga baboy at pork products at walang makakalabas na mga alagang baboy mula sa apektadong barangay.

Nabatid na ilang mga lugar sa Davao region ang naapektuhan rin sa kaso ng ASF sa nakaraang taon na nakaapekto rin sa maraming hog raisers.