-- Advertisements --

Aabot na sa 45 na estado ng US , Puerto Rico at Washington DC ang nagtala na ng kaso ng Omicron variant.

Sinabi ni Dr. Anthony Fauci ang Chief Medical Advisor to the President, na hindi na makakatakas pa ang US sa COVID-19.

Dahil dito ay nararapat na magpaturok na ng booster shots, magsuot ng face mask at mag-ingat sa pagbiyahe ngayong winter holidays.

Base kasi sa Centers for Disease Control and Preventions na mayroong 27% na mga residente ng US ang hindi pa nakakuha ng kahit single dose ng bakuna.

Patuloy kasi dumodoble ang kaso ng Omicron sa iba’t-ibang estado ng US ang naitatala sa kada araw.