-- Advertisements --

pasig

Nasa 45 indibidwal kabilang ang ilang mga menor-de -edad ang nananatili ngayon sa kustodiya ng Pasig PNP dahil sa pagdiriwang ng birthday party na malinaw na paglabag sa enhanced community quarantine protocol.

Nangyari ang insidente hatinggabi na ng Augus12,2021 sa may Royana Events Place na matatagpuan sa No. 55 Axis Road, Brgy. Kalawaan, Pasig City.

Batay sa report, tinungo ng mga tauhan ng Pasig City Police Sub-station 4 sa pangunguna ni Lt Julio Valle kasama ang mga miyembro ng BSF-Kalawaan inaresto ang mga sumusunod na indibidwal na nakilalang sina:
Russel Neverio,21 years old, caretaker ng Royana Resort and Events Place; Mario Soriano Gonzalo, 55 years old, assistant caretaker; Ronald Ang may-ari ng Royana Resort and Events Place kasalukuyang At-Large at si Vicente Ang Jr. , 59 years old, businessman dahil sa paglabag sa R.A. 11332, Curfew hours at Social Gathering kasama ang 42 guests na nag renta sa nasabing lugar para ipagdiriwang ang birthday party.

Ayon sa Pasig PNP may tumawag na concerned citizen at iniulat ang umano’y pagtitipon sa nasabing lugar na agad pinuntahan ng mga pulis a dito tumambad ang 45 katao kabilang ang mga minors.

pasig3

Kaagad dinala sa kalawaan Covered court ang 42 violators at isa isa ang dinocument sa harap ni Pasig City Police Chief Col Roman Arugay at Barangay Kagawad Louie Afable.

Habang ang tatlong suspeks ay dinala sa Kalawaan Police Sub Station-4 para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

Sinabi ni Col. Arugay na agad naman nila pinalaya ang mga nahuling violators matapos sumailalim sa Antigen test.

Isinailalim naman sa inquest proceedings ang tatlong suspek sa Pasig City Prosecutor’s Office.

pasig1

Panawagan naman ni Col. Arugay sa publiko na manatili sa bahay at huwag ng magtangka pang lumabag sa batas lalo na at patuloy na tumataas ang kaso ng Covid-19.

Siniguro naman ni Pasig City Mayor Vico Sotto na mananagot ang mga suspek.

Pinasalamatan ng alkalde ang concerned citizen na tumawag at ipinagbigay alam ang insidente.

Pinuri din ng alkalde ang agarang aksiyon n Pasig police.