-- Advertisements --

Nasa 45 katao ang nasawi matapos na mahulog sa bangin ang sinakyan nilang bus sa South Africa.

Ayon sa transport department ng bansa, pawang mga mananampalataya ang lulan ng bus at ito ay patungo sa Easter conference ng mangyari ang aksidente sa Limpopo province.

Nakaligtas sa insidente ang isang walong taong gulang na batang babae na agad itong dinala sa pagamutan.

Galing ang bus sa Gaborone ang capital ng Botswana at patungo sa simbahan para sa Easter conference ng mangyari ang insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon ay nawalan ng kontrol umano ang driver ng bus kaya nahulog ito sa malalim na bangin.

Nagsasagawa na ang mga otoridad sa lugar ng malalimang imbestigasyon ukol sa nangyaring aksidente.