-- Advertisements --
Patay ang nasa 45 na katao matapos ang air strike ng Israel sa Rafah City sa Gaza.
Kabilang sa nasawi ang mga kababaihan at bata habang sila ay nasa refugee camp.
Depensa naman ng Israel Defense Forcer (IDF) na kanilang napatay sa insidente ang dalawang senior Hamas terrorist.
Iniimbestigahan din ng Israel ang ulat na mayroong mga sibilyang nadamay sa nasbing airstrike.
Mula ng paigtingin ng Israel ang military operations ay nasa 800,000 katao na ang lumikas patungo sa Rafah.
Magugunitang iginiit ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na itutuloy pa rin nila ang pag-atake sa Rafah kahit na ilang mga bansa ang pumigil sa kanila.