-- Advertisements --

Umabot na raw sa anim na milyon ang nakunan ng demographic information kaugnay ng Philippine National ID system.

Ayon kay Asec. Rosalinda Bautista, Deputy National Statistician ng Philippine Statistics Authority (PSA), target nilang makapag-isyu ng ID na hindi bababa sa 45 milyong ID sa susunod na taon.

Paliwanag nito, ang unang hakbang para sa national ID system ay ang pagbabahay-bahay ng mga taga-PSA.

Iba raw ang mga tauhan na nagsasagawa ng census of population at housing at iba naman ang kukuha ng demographic information para sa National I.D.

Pagkatapos nito ay bibigyan din sila ng schedule para sa registration.

Hindi pa kasama ang Metro Manila sa mga lugar na uunahin sa step 1 dahil sa maraming kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang prayoridad naman daw sa National ID ay ang poorest of the poor.