Naabot ng Manila International Airport Authority ang target nitong 45 milyong pasahero para sa Ninoy Aquino International Airport sa taong 2023 at inaasahan na mapapanatili pa ang paglago nito habang ang isang bagong private na kumpanya ang siyang mangangasiwa sa mga operasyon ng pangunahing gateway ng bansa pagsapit ng ikatlong quarter ng kasalukuyang taon.
Ito ay nabuo matapos sabihin ng Bureau of Immigration na inaasahan nila ang 15 milyong passenger arrivals ngayong taon.
Noong nakaraang taon ay nakapagtala ang ahensya ng 12.6 million arrivals sa bansa higit sa 6.1 million arrivals na naitala noong 2022.
Batay sa datos, mayroong kabuuang 45.4 milyong pasahero ang naitala sa Ninoy Aquino International Airport noong nakaraang taon.
Binubuo ito ng ng 24.9 milyong domestic at 20.5 milyong international travelers.
Ang kabuuang dami ng mga pasahero noong nakaraang taon ay 47% na mas mataas kaysa sa 30.9 milyong pasahero na naitala noong 2022 habang nakamit nito ang 95 porsyento ng 47.7 milyong pasahero na naitala sa pre-pandemic noong 2019.
Nakapagtala rin ang NAIA ng kabuuang 279,953 flights noong 2023, mas mataas ng 26% kumpara sa 221,595 flights noong 2022 at tumaas ng 3 percent mula sa 271,535 flights na nakarehistro noong 2019.