-- Advertisements --
Nananatiling suspendido ang nasa 45 empleyado ng National Food Authority (NFA) sa gitna ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa pagbenta ng NFA rice sa paluging halaga sa piling traders nang hindi dumaan sa kaukulang public bidding.
Matatandaan na inalis na ng Office of the Ombudsman ang suspensiyon ng 72 warehouse supervisors at 23 kawani ng NFA.
Ikinalugod naman ng NFA ang naging desisyon ng Ombudsman at umaasang makabalik na rin ang natitira pang mga empleyado ng ahensiya na nananatiling suspendido.
Una rito, nasa 141 opisyal at empleyado ng NFA ang pinatawan ng preventive suspension kabilang sina dating NFA administrator Roderico Bioco at assistant administrator for operations John Robert Hermano kaugnay sa naturang kontrobersiya.