Natukoy na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga geographically isolated areas para sa paglulunsad ng assisted SIM registration.
Sa isang pahayag, sinabi ni National Telecommunications Commission (NTC) officer-in-charge Commissioner Ella Blanca Lopez, naporma na ang Inter-Agency Ad Hoc Committee for Facilitation of SIM Registration in Remote Areas.
Nagsagawa ng pagpupulong ang inter-agency body, kung saan ipinakita ng National Telecommunications Commission (NTC) sa mga member agencies at telcos ang listahan ng mga lugar na tinukoy ng SIM Registration Act Task Force nito bilang malayo.
Dagdag pa niya nasa 45 na remote areas sa loob ng 15 rehiyon sa bansa ang natukoy.
Inirekomenda ng National Telecommunications Commission (NTC) ang sabay-sabay na roll-out ng mga aktibidad sa pagpaparehistro ng SIM sa mga lugar na natukoy simula Enero 25, 2023.
Aniya, titingnan ng telcos ang operational feasibility ng plano at inaasahang magbibigay ng feedback sa National Telecommunications Commission (NTC) sa usapin sa Enero 20, 2023.
Ang mga miyembro ng Inter-Agency Ad Hoc Committee ay sumang-ayon na magbigay ng tulong habang binibisita ng mga telcos ang mga malalayong lugar na ito para sa kanilang mga pagsisikap sa pagpaparehistro ng SIM.