-- Advertisements --
BuCor1

Aabot sa 450 preso mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa city at Correctional Institution for Women sa Mandaluyong city ang inilipat sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa, Palawan.

Ayon kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang Jr, isinakay sa isang commercial vessel ang mga preso kasama ang 150 jail guards at inaasahang darating sa Palawan tanghali bukas, Oktubre 1.

Sa mga inilipat na preso, nasa 396 ang nagmula sa medium-security compound at 4 naman ang nagmula sa maximum-security compound ng NBP habang 50 naman ang mula sa Correctional Institution for women.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa mahigit 1,500 preso ang nailipat mula sa NBP at CIW sa piitan sa Palawan at sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro.

Ang paglilipat sa nasabing mga preso ay parte ng plano ng BuCor na ipasara ang NBP at CIW dahil gagawin ng isang commercial hub ang NBP na tatawaging BuCor Global city and government center.

Ayon kay Catapang, hindi lamang aniya nakatulong para resolbahin ang problema sa congestion sa mga piitan sa Metro Manila kundi na-isolate din ang mga preso mula sa masasamang gawain.