-- Advertisements --

Nakapagtala ngayon ang Department of Health (DOH) ng 4,509 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Dahil dito ang kabuuang mga kaso sa Pilipinas ay umabot na sa 1,412,559.

Parami pa rin ang mga bagong gumaling ngayon na umaabot sa 5,839.

Sa kabuuan ang mga nakarekober sa bansa ay nasa 1,339,248 na.

Ang mga aktibong kaso ngayon ay bahagyang bumaba sa 48,649.

Gayunman merong mahigit na naman sa 100 ang mga bagong namatay dahil pa rin sa deadly virus na nasa 105.

Ang death toll sa bansa mula noong nakaraang taon ay nasa 24,662 na.

Nilinaw naman ng DOH na mayroon anim na mga laboratoryo ang bigong makapagsumite ng kanilang mga datos.

“7 duplicates were removed from the total case count. Of these, 5 are recoveries. In addition, 1 case was found to have tested negative and has been removed from the total case count. This is a recovery,” bahago pa ng statement ng DOH. “Moreover, 49 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation. All labs were operational on June 28, 2021 while 6 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 6 non-reporting labs contribute, on average, 1.6% of samples tested and 2.2% of positive individuals.”