-- Advertisements --

Patay ang nasa 46 katao matapos ang ginawang airstrike ng Pakistan sa Afghanistan.

Ayon sa Taliban na siyang namumuno ng Afghanistan na kabilang sa mga nasawi ay mga bata at babae.

Tiniyak naman ni deputy spokesman Hamdullah Fitrat na sila ay gaganti sa ginawang airstrike na naganap sa Paktika Province.

Pinatawag na ng foreign office ng Afghanistan ang head of mission ng Pakistan sa Kabul para pagpaliwanagin at maghain ng protesta.