Pinaghahanap na ngayon ng iba’t ibang rescue teams ang nasa 46 katao na iniulat na nawawala sa iba’t ibang mga lugar dahil sa paghagupit ng bagyong Urduja.
Ayon kay National Disasster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mina Marasigan, batay sa nakuha nilang datos at validated ng Department of Interior and Local Government (DILG), nasa 26 na ang naiulat na nasawi at 34 ang sugatan.
Sa pagtungo naman sa Biliran ni Presidential Spokesman Harry Roque, iniulat nito na umakyat na sa 31 ang mga patay sa iba’t ibang dako ng bansa.
Sa report naman ng DSWD, nasa 44,000 pamilya ang inilikas dahil sa bagyong Urduja at kasalukuyang nasa 608 evacution centers.
Sinabi ni Marasigan nasa area na rin ngayon ang mga assessment teams para magsagawa ng damage assessment.
Iniulat din ni Marasigan na apat na tulay ang bumagsak at hindi madaanan dahil sa iniwang pinsala ng bagyo.
Dagdag pa ni Marasigan na ongoing na rin ang clearing operations ng mga tauhan mula sa DPWH sa mga lugar na nagkaroon ng landslide.
Nasa 48 na kabahayan ang totally damage habang 101 ang partially damage.
Nasa 17 road sections din ang hindi pa madaanan sa ngayon at ilang mga lugar ang wala pa ring suplay ng koryente.
Ang bagyong Urduja ay tumawid na ng Palawan at kasalukuyang nasa West Philippine Sea na ngayon. (with report also from Bombo Tacloban)