TACLOBAN CITY- Aabot sa 46 na pamilya ang inilikas sa ilang mga evacuation centers dahil sa Low Pressure Area (LPA), na nararanasan ng buong rehiyon.
Ayon kay Sher Rysia Saises, Information Officer, Office of Civil Defense Regional Vlll, ang mga ito ay residente ng Brgy. Guadalupe Baybay City, kung saan umabot ito ng 26 na mga pamilya, at tig-sampung pamilya naman sa Isabel at Matag-ob Leyte, ang mga inilikas sa kanilang mga tahanan, dahil sa narasanang pag-ulan.
Dagdag pa ni Saises, kasama sa kanilang nagin monitoring nakaranas nga mga pagbaha ang
Palompon Leyte, Ormoc City, Isabel Leyte, Baybay City, Matalom Leyte at Taft Eastern Samar.
Sa ngayon, ay magkakaroon sila ng pamamahagi ng mga hygine kits at family kits sa mga nabahaang barangay, gaya ng Ormoc City, Isabel, at Baybay City.
Sa ngayon, humupa na ang baha sa mga nabangit na lugar at iilan nalang ang mga naiwang pamilya sa evacuation centers, at passable na rin ang mga kalsada sa nasabing lugar.
Binalaan naman ni Saises ang publiko, lalo na ang mga nasa mababang lugar, na sundin ang ipinatupad na pre-emptive measures sa kanilang mga barangay.
Nilinaw naman ng nasabing tagapagsalita, na hindi bagyo ang nararanasang pag-ulan ito ay dala lang ng trough ng Low Pressure Area (LPA).